Velasco

Velasco muling nahalal bilang kongresista ng Marinduque

Mar Rodriguez May 10, 2022
244 Views

MULING nahalal para sa kaniyang ikatlong termino si House Speaker Lord Allan Velasco bilang kongresista sa lalawigan ng Marinduque matapos ang kaniyang naging tagumpay nitong nakalipas na eleksiyon.

Prinoklama ng Marinduque Provincial Board of Canvassers si Velasco bilang nanalong kongresista matapos ang isinagawang tabulation ng mga balota o lahat ng election returns.

Nakakuha si Velasco ng 100,794 votes sa final tally.

Ang lalawigan ng Marinduque ay mayroong 161,538 na rehistradong botante. Kung saan, napag-alaman na 140,674 lamang ang nakaboto noong nagdaang halalan.

Nabatid din kay Speaker Velasco na ang kaniyang mga magulang na sina retired Supreme Court (SC) Justice Presbitero Velasco, Jr. at Ina nitong si Lorna Quinto Velasco ay nahalal bilang Gobernador at Mayor sa bayan ng Torrijos.

Maluha-luhang ipinahayag ni Velasco na: “I am deeply honoured and humbled by my re-election to the House of Representatives. I am extremely grateful to the people of my beloved province of Marinduque for putting their trust and faith in me to represent them in Congress for another three years”.

Binati din ni Velasco ang mga kasamahang mambabatas na nanalong kinatawan sa kani-kanilang lugar at distrito.

Kasunod ng kaniyang pahayag na muling magko-convene ang Kongreso at Senado para iproklama ang nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

Ang Kongreso at Senado ang magsisilbing National Board of Canvassers na siyang magbibilang sa boto ng nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo.