Villar

Villar sa millennials: Makilahok sa May 2025 elections

Mar Rodriguez Feb 26, 2025
14 Views

HINIHIKAYAT ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar ang bagong henerasyon ng mga kabataan partikular na ang mga millennials na makilahok sa darating 2025 mid-term elections.

Sinabi ni Villar na malaking papel ang gagampanan ng tinawag nitong “younger generation” sa darating na halalan na huhubog sa kinabuksan ng Pilipinas dahil ang mismong bayaning si Jose Rizal na ang nagwika na sila ang kinabuksan ng ating bayan.

Bukod dito, hinahamon din ng APBP Senatorial bet ang mga millennials na maging aktibo sa pagsusulong ng social transformation, economic change, technological advancement at political progress bunsod ng kanilang pagiging malikhain at idealismo.

Paliwanag ni Villar na bilang bahagi ng henerasyon ng mga millennials. Naniniwala siya na panahon na upang makibahagi ang mga kagaya nito sa pagsusulong ng pagbabago para sa bansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa halalan sa Mayo.

“Alam niyo po, bilang millennial leader. Naniniwala ako na panahon na para maging bahagi tayo ng solusyon. Now is the time for us millennials to to be part of the solution,” wika ni Villar.

Ayon kay Villar, ito ang tamang panahon para sa mga millennial na gamitin ang kanilang talento, talino at abilidad para makatulong sila sa pagpapa-unlad ng ating bansa sa halip na sayangin lamang ang kanilang oras at pahanon sa mga bagay na walang kabuluhan.

“Nakikita naman natin, di ba kung ano ang kailangan ng ating bansa. So, imbes na naka-upo lamang tayo or wala tayong ginagawa, mas makabubuting Iparinig natin ang ating tinig sa darating na halalan. Huwag natin sayangin ang ating talino,” sabi pa nito.