Villar

Villar tiniyak na isusulong tourism infra development projects para sa CAR

Mar Rodriguez Apr 27, 2025
61 Views

DAGUPAN, PANGASINAN — Tiniyak ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar na sisikapin nitong isulong at itaguyod ang iba’t-ibang proyekto para sa Cordillera Autonomous Region (CAR) bunsod ng malaking potensiyal nito bilang tourism destination ng bansa.

Pagbibigay diin ni Villar na napakalaking potensiyal ang naghihintay sa CAR sakaling maisakatuparan ang mga tourism infrastructure projects sa nasabing rehiyon na inaasang lalo pang magpapaunlad dito.

Sa kaniyang mensahe sa ika-113 Founding Anniversary ng Itogon, ipinahayag din ni Villar ang kaniyang paghanga para sa mga mamamayan ng CAR dahil sa angkin nitong yaman sa kultura, kasaysayan at ang likas yaman nito.

Tiniyak ng APBP senatorial bet na ipagpapatuloy nito ang pagsusulong ng mga proyekto at iba pang mga programa na magpapaunlad sa rehiyon.

Sabi din ni Villar na ang pagsasa-ayos ng mga kalsada sa CAR ang nagbibigay ng kaginhawahan para sa mga turista na bumibiyahe mula sa Cagayan Valley patungo sa Benguet. Mas accessible ang biyahe ng mga lokal na turista na nagnanais matunghayan ang Atok Flower Gardens, Sagada Caves, La Trinidad Strawberry Farms at iba pang mga tourist destinations.

“Sisiguraduhin po nating kaisa niyo ako sa mga hangarin niyo para sa rehiyon ng CAR. Ako po ang magiging boses niyo sa Senado para magtuloy-tuloy ang mga proyektong magpapaunlad hindi lamang dito sa inyong bayan. Kundi, para sa ating buong bansa,” ani Villar.

Tiniyak din ng Las Piñas Lady solon na ipagpapatuloy din nito ang mga proyektong pinasimulan ng kaniyang Ina na si Senator Cynthia A. Villar kabilang na dito ang mga construction projects.