Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Villar3

Villar top priority proteksiyon ng OFWs

Mar Rodriguez May 2, 2025
19 Views

BATID ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar ang kalagayan at sakripisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kaya naman tinitiyak nito na gagawin niyang “top priority” ang pagkakaloob ng proteksiyon para sa libo-libong Pilipinong manggagawa na nakikipagsapalaran sa abroad.

Pagbibigay diin ni Villar na napakahalagang mapa-igting ang mga programa ng mga concerned agencies sa ating pamahalaan na may kinalaman sa pagtitiyak sa kapakanan at kagalingan ng mga OFWs kabilang na dito ang Department of Migrant Workers (DMW).

Paliwanag pa ng kongresista na bagama’t ang Kamara de Representantes ang lumikha sa DMW sa pamamagitan ng lehislasyon, aminado siya na medyo nahihirapan pa rin ang nasabing ahensiya sa pagtutok sa napakaraming kaso ng mga OFWs na nakaranas ng pagmamaltrato, pang-aabuso, overstaying at iba pang mga problema.

Ayon pa kay Villar, ang kaniyang pamilya ay may malalim at marubdob na pagmamahal para sa mga OFWs na sinimulan ng kaniya ama na si dating Senate President Manuel “Manny” Villar matapos itong magpatayo ng mga housing units para sa mga OFWs.

Ipinahayag pa ng batang Villar na nagkaroon din ng inisyatiba ang kaniyang mga magulang na maglunsad ng OFW Family Summit upang matulungan ang mga OFWs at kanilang pamilya na makapag-simula ng negosyo dito sa ating bansa.

“We have the OFW Family Summit that amis to help families of OFWs here to form a livelihood or makapag-negosyo sila or form a livelihood. We also give house and lot as tribute to every OFW family who dreams to have their own homes,” ani Villar.