visayan bloc

Visayan bloc sa Kamara nagpahayag ng solidong suporta para kay Speaker Martin Romualdez

225 Views

NAGPAHAYAG ng solidong suporta ang Visayan bloc para kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez matapos umalingasaw ang balita na balak itong palitan sa pamamagitan ng sinasabing kudeta sa Kongreso.

Sa pamamagitan ng isang manifesto na nilagdaan ng mga kongresista mula sa Visayas, ipinahayag nila ang kanilang suporta para kay Speaker Romualdez na tinawag nilang “distinguished son” ng Visayas.

Sinabi pa ng mga miyembro ng Visayan bloc na ang House Speaker ay isang huwaran ng serbisyo publiko sapagkat nagpamalas ito ng isang epektibong pamumuno sa pamamagitan ng kakayahan, sipag at mabuting kalooban.

Tiniyak din ng mga kongresista patuloy silang makikipag-tulungan kay Speaker Romualdez partikular na sa pagtupad ng mga priority measures o priority bills ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

“Speaker Romualdez has been been a paragon of public service, demonstrating effective leadership through competence. Diligence and good will. We will continue to work with him to deliver on the President’s priority legislative agenda and uplift the lives of Filipinos,” ayon sa manifesto ng mga Visayan congressmen.

Kabilang sa mga miyembro ng Visayan bloc ay sina Congressmen Francisco “Kiko” Benitez ng Negros Occidental, Jocelyn Limkaichong ng Negros Oriental, Lolita Javier ng Leyte, Lorenz Defensor ng Iloilo, Emmarie Ouano-Dizon ng Mandaue City at Richard Gomez ng Leyte.