Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Atienza

VM Chi ibinida paglutas sa basura ng Manila

Edd Reyes Aug 14, 2025
284 Views

IBINIDA ni Vice Mayor Chi Atienza sa ginanap na Meeting of Governors and Mayors of ASEAN Capitals (MGMAC) sa Malaysia kung papaano nila nilutas ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang krisis sa basura sa Maynila.

Sinabi ng VM sa mga delegado na nang umupo sila sa puwesto ni Mayor Domagoso noong Hunyo 30, ga-bundok na mga basura at pagkansela sa kontrata ng kumokolekta ng basura dahil hindi nababayaran ang kanilang serbisyo sumalubong sa kanila.

“This is not just the story of a city government. This is a story of a city that refused to be defined by its crisis.

When the streets are full of garbage, it is not just an issue of waste. It is an issue of dignity, and dignity is worth fighting for,” pahayag ni Atienza.

Ipinasa ng Maynila sa 13th City Council ang pagdedeklara sa lungsod sa ilalim ng public health emergency na layuning pagyamanin ang pakikipagtulungan sa pamahalaan ng pribadong sektor at bawat mamamayan.

Ibinahagi pa ni Atienza sa kanyang talumpati ang istratehiya sa mga programa ng Maynila, kabilang ang komprehensibong 10-taong Solid Waste Management Plan na layuning isulong ang pagbubukod-bukod ng basura na pwede pang pagkakitaan at ang pagtatayo ng 686 na material recovery facilities na nakalinya sa pandaigdigang Sustainable Development Goals (SDGs).

“These were not just waste projects, they were dignity projects, reminding Manileños that cleaner streets mean prouder communities. If you want the city to stay clean, you don’t just pick up trash; you change behavior,” sabi pa ni Atienza.