Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Chinese Ang 3 Chinese national na may kasong kidnapping at illegal detention matapos maaresto sa Paranaque City.

NBI tinimbpg 3 suspek sa kidnapping, illegal detention

Jon-jon Reyes Aug 14, 2025
392 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang tatlong Chinese nationals dahil sa kidnapping at serious illegal detention noong Agosto 8 sa Paranaque.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nagreklamo ang biktima laban sa mga inaresto dahil ikinulong at pinilit siyang magtrabaho nina Zou Tao, Jin Cai at Junying Lyu.

Tinatakot din ang biktima na papatayin siya kapag nagtangkang tumakas.

Dahil dito agad na inatasan ni Director Santiago ang kanyang mga tauhan at agad naman nagsagawa ng rescue operation ang mga ahente ng NBI-CCD.

Pagkatapos ng maayos na koordinasyon kasama ang PNP, City Prosecutor’s Office, at mga Barangay opisyal, at ng condominium’s Security Management na tinutuluyan ng mga suspek.

Pinasok ng mga ahente ng NBI ang unit ng tatlo at nakita ang biktima na nakaupo sa kama kasama ang mga suspek.

Dinala ang mga naarestong suspek sa himpilan ng NBI-CCD at sumailalim sa standard booking procedure.