Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Suspek

QC cops dinakot 4 suspek na tulak

250 Views

NAARESTO ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na suspek na tulak at nakumpiska ang P1,195,440 halaga ng shabu noong Miyerkules.

Kinilala ng mga pulis ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang mga nadakip na sina alyas Nicole, 24; Sauyo, John Cedrick, 25; at Christian Jay, 25.

Batay sa report, bandang alas-2:40 ng hapon ng madakip ang tatlo sa Congressional Avenue, Brgy. Pasong Tamo at nakumpiskahan ng 50.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P345,440.

Bandang alas-8:40 ng gabi, muling nagsagawa ng buy-bust ang Batasan Police Station 6 sa ilalim ng P/Lt. Col. Romil Avenido sa Luzon Avenue, Brgy. Old Balara, at nadakip ang isa pang tulak na nakumpiskahan ng 125 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P850,000.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga suspek.