Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Boga Iniharap ni P/Lt.Col. Arwen Nacional ang mga suspek sa iba’t-ibang kaso matapos sa Sampaloc at Quiapo, Manila.

Tulak, sugarol, may boga tiklo sa Manila

Jon-jon Reyes Aug 14, 2025
390 Views

NAARESTO ang mga suspek sa iba’t-ibang krimen sa Sampaloc at Quiapo, Manila noong Miyerkules.

Unang natimbog si alyas Kikay, 26, dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, dakong alas-3:30 ng madaling araw ng mabitag ng mga pulis ang suspek.

Nahuli ang suspek nina P/Lt. Cleveland Mananghaya at PSSg Joseph Paragatos at nakuha sa suspek ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek.

Bandang alas-12:30 ng hatinggabi naaresto si alyas Eduardo dahil sa pag-iingat ng baril.

Sinubukan pang tumakas ng suspek ngunit kalaunan napigilan ng mga awtoridad.

Swak naman sa selda ang 4 na indibidual na nahuling nagsusugal ng cara y cruz sa A. Mendoza corner Paquita Sts., Brgy. 463, Sampaloc, Manila.