BSKE

Voter registration muling binuksan ng Comelec

169 Views

MULING binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong araw, Disyembre 12.

Inaasahan ng Comelec na aabot sa 1 milyon hanggang 1.5 milyon ang madaragdag na bagong botante para sa BSKE na isasagawa sa Oktobre 2023.

Ang voter registration ay magtatagal hanggang Enero 31, 2023.

Maaaring magrehistro mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang 5 ng hapon. Sarado naman ito sa Disyembre 24 at 31.

Uumpisahan na rin ng Comelec sa Disyembre 17 ang “Register Anywhere” project nito kung saan maaaring magparehistro ang botante kahit na saan ang presinto nito.

Isasagawa ito sa Disyembre 17, 18, Enero 7, 8, 14, 15, 21, at 22 sa SM Southmall, SM Fairview, SM Mall of Asia, Robinsons Place Manila, at Robinsons Galleria.