Voter turnout ng overseas absentee voting umabot sa 34.88%

217 Views

UMABOT sa 34.88% ang voter’s turnout sa overseas absentee voting sa katatapos na halalan, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Mas mataas ito kung ikukumpara sa 31.45% na naitala noong 2016 presidential elections.

Mayroong 1,697,215 overseas Filipinos na nagparehistro para makaboto para sa May 9 elections.

Pinakamalaking bahagi nito ay nasa Middle East at Africa na umaabot sa 786,997, 450,282 sa Asia-Pacific; 306,445 sa North and Latin America; at 153,491 sa Europa.