BBM1

VP Harris pinabibisita  ni PBBM sa Pinas

Chona Yu Jan 15, 2025
11 Views

MULING inimbitahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si US Vice President Kamala Harris na bumisita sa bansa.

Ipinaabot ni Pangulong Marcos ang imbitasyon nang makausap sa telepono si Harris.

Sa kanilang pag uusap, kinilala ni Pangulong Marcos ang naging kontribusyon ni Harris sa Pilipinas.

Nagbigay aniya ito ng malakas na pundayon para sa pagtutulungan ng dalawang bansa.

Partikular na tinukoy ng Pangulo ang pagtutulungan ng Pilipjnas at Amerika sa larangan ng ekonomiya, diplomatic, defense at security levels na isinalarawan nitong terribly encouraging.

Umaasa ang Pangulo na maipagpapatuloy ng Pilipinas at Amerika ang shared values at pagpapatupad ng international law.

Unang bumisita sa bansa si Harris noong Nobyembre 2022.

Muli namang nagkita ang dalawa sa Asia Pacific Economic Cooperation Conference sa San Francisco noong Nobyembre 2023 kung saan sumentro rin ang kanilang pulong sa sitwasyon sa West Philippine Sea.