District Rep. Jay Khonghun Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun

VP Sara binira sa ‘diversionary tactic’ sa kaso ni Quiboloy

91 Views
Rep. Paolo Ortega V
Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V

TINULIGSA ng Young Guns ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte sa pagtatangka nitong ilihis ang atensyon mula sa mga kasong kinaharap ng wanted na si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon kay Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ang isyu ay ang pagtatago ni Quiboloy na wanted sa kasong child abuse, sexual abuse, at qualified human trafficking.

Naglabas ng pahayag si VP Duterte matapos salakayin ng mga otoridad ang KOJC compound sa Davao City sa paghahanap kay Quiboloy. Sinabi ng Ikalawang Pangulo na humihingi ito ng tawad sa KOJC dahil hiniling nito na suportahan nila si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.

“This is a clear attempt to deflect from the real issue at hand, which is Quiboloy’s refusal to submit to the law. Instead of apologizing for political choices, the Vice President should be focusing on ensuring that her ally faces justice,” ani Khonghun.

Para naman kay Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V nakalulungkot na inililinis ni VP Duterte ang atensyon ng publiko sa tunay na isyu.

“It’s disheartening to see Vice President Duterte try to shift the narrative by invoking her role in the last election. The reality is that this situation is about holding a fugitive accountable for his actions, not about who voted for whom in 2022,” ani Ortega.

Iginiit nina Khonghun at Ortega na ipinatutupad lamang ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas ng korte at hindi totoo na ito ay isang pang-aabuso sa kapangyarihan.

Malinaw umano na mayroong kinakaharap na kaso si Quiboloy at sa halip na harapin ito siya ay nagtatago.

“The PNP was simply doing its job by enforcing a valid arrest warrant against Quiboloy and his cohorts, who are facing serious charges,” sabi ni Ortega.

He added: “To call this an ‘abuse of power’ is a gross mischaracterization of the situation. The police were acting within the bounds of the law, and any confrontation that ensued was the result of resistance from within the compound, not police overreach,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Khonghun na ang batas ay ipinatutupad sa lahat.

“No one is above the law, and that includes Pastor Quiboloy,” saad pa ni Khonghun. “The Vice President should be encouraging compliance with legal processes, not undermining them with baseless accusations and apologies that do nothing to address the real issue.”

Hinamon din ni Ortega si VP Duterte na irespeto ang batas at suportahan ang pulis sa pagpapatupad nito.

“The law must prevail, and we expect all public officials, including the Vice President, to stand behind our institutions as they work to ensure that justice is served,” dagdag pa ni Ortega.