Calendar
VP Sara dedma sa isyu ng West Philippine Sea – Manila Rep. Chua
KINUWESTYON ni Manila Rep. Joel Chua ang kawalan umano ng paninindigan ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) na inaangkin ng China.
Ayon kay Chua, bilang ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan marapat lamang na magkaroon ito ng pahayag sa ginagawang pambu-bully ng China sa mga mangingisdang Pilipino.
Pinabulaanan din ni Chua ang mga alegasyon ng Bise Presidente na pinaghihimasukan ng ibang bansa ang mga isyu na mayroong kaugnayan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Well, actually iyon nga rin iyong kinagulat ko, dahil ang isa po sa batikos niya sa ating Pangulo ay iyong sa mga foreign … pakike-alaman daw ng dayuhan—ang alam ko lamang po na isyu ngayon sa atin na may foreign… is iyong China,” ani Chua sa ginanap na News Forum sa Dapo Restaurant, Quezon City.
“So, until now, hindi pa rin po natin alam kung ano po ang stand ng ating pangalawang pangulo, pagdating po sa isyu o usapin ng West Philippine Sea,” giit pa ni Chua.