Valeriano2

VP Sara Duterte inakusahang hindi mamamayang Pilipino ang pinagsisilbihan

Mar Rodriguez Sep 5, 2024
134 Views

๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—จ๐—ฆ๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ถ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ-๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€ (๐—ฃ๐—ข๐—š๐—ข) ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€.

Ang paratang ni Valeriano ay nakapaloob sa kaniyang privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes matapos nitong ipahayag na tila hindi ang interes at kapakanan ng mga Pilipino ang pinagsisilbihan ng Pangalawang Pangulo, bagkos, ang interes at kapakanan ng mga Intsik na promotor ng illegal POGO sa bansa.

Nag-ugat ang akusasyon ni Valeriano laban kay VP Sara makaraang hindi nito sagutin ng matino ang sunod-sunod na katanungan ng mga kongresista patungkol sa kung papaano at saan ginastos ng Office of the Vice-President (OVP) ang pondo nito noong taong 2022, 2023 at 2024.

“Sino ba talaga ang boss at pinaglilingkuran ni Vice-President Sara Duterte? Baka naman ang totoo niyang boss ay hindi ang mga Pilipino. Baka naman ang kaniyang boss ay ang mga promotor ng POGO, mga kawatan, mga drug traffickers. Baka naman ang boss niya ay ang mga humaharang sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda,” sabi nito sa kaniyang privilege speech.

Nauna ng hinamon ng kongresista si VP Sara Duterte na magpaliwanag at maglabas ng mga katibayan kung papaano nito ginastos ang tinatayang nasa bilyon pisong pondo na ipinagkatiwala sa OVP na di-umano’y ginamit nila para aa “socio-economic programs” ng kaniyang tanggapan.

Pagdidiin pa ni Valeriano na kaya hindi maipaliwanag ni VP Sara kung saan napunta ang pondo ng OVP ay dahil mabubuking siya ng mga kongresista na nilustay lamang nito ang naturang pondo sapul ng siya ang maluklok noong 2022 hanggang 2024.