sara

VP Sara namigay ng laptop, bag sa Tacloban

93 Views

NAMIGAY si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ng laptop sa mga guro at PagbaBAGo bag sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa Tacloban.

Ang mga guro sa Basper Elementary School at Tacloban National Agricultural School ay binigyan ng mga laptop. Nasa 232 PagbaBAGo bags na may lamang school supplies at dental kits naman ang ibinigay sa mga Grade 1 at 7.

Ibinahagi ni Duterte sa mga estudyante ang kahalagahan ng pag-aaral at ang mahalagang papel nito para maka-ahon sa kahirapan.

Nakipag-usap din ang kalihim sa mga guro at opisyal ng paaralan upang malaman ang kanilang mga alalahahin sa paggamit sa kanilang mga tungkulin.

Layunin ng PagbaBAGo campaign na maipaabot sa mga estudyante ang kahalagahan ng pag-aaral. Ang kampanya ay sinimulan ni Duterte noong siya ay alkalde pa ng Davao City.