Sara

VP Sara pumalag sa patutsada ng isang militante sa kanyang SONA dress

210 Views

PUMALAG si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa patutsada ni Sandugo spokesperson Eufemia Cullamat kaugnay ng kanyang suot noong State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Duterte isinuot nito ang tradisyonal na Bagobo Tagabawa dress bilang pagbibigay pugay sa isa sa mga tribong naninirahan sa Davao City at upang mapataas ang kamalayan laban sa pagsasamantala at panlolokong ginagawa ng NPA.

Isa rin umano itong pakikiisa sa laban ng mga indigenous Peoples (IPs) sa teroristang New Peoples Army (NPA) na nagre-recruit sa kanilang mga anak.

“It was lobbying in the open public the welfare of IPs who have always been the favorite darling of the NPA for their recruitment and attacks — which happen every time they register their resistance,” sabi ni Duterte.

Sa isang social media post, sinabi ni Cullamat na dapat kilalanin at ipaglaban ng mga gumagamit ng kasuotan ng mga katutubo ang karapatan ng mga ito.

“Walang saysay at pakitang tao lamang ang pagdamit ni VP Sara sa kasuotan ng Lumad gayong ni-redtag niya ang mga estudyante at guro ng mga iskwelahan ng Lumad. Tnakot pa niya at pinalayas ang mag Lumad sa santwaryo sa Davao City,” sabi ni Cullamat na dating kinatawan ng Bayan Muna sa Kongreso.

Sinabi ni Duterte na dapat humingi ng paumanhin si Cullamat sa kanyang mga kapwa katutubo dahil pinayagan nito na sila ay magamit ng NPA.

Dapat din umanong humingi ng tawad si Cullamat sa kanyang anak na isang miyembro ng NPA na napatay noong 2020 sa isang engkuwentro sa Mindanao.

“And as a mother of a dead NPA fighter, she should apologize to her daughter for sending her to her untimely gruesome demise,” sabi ni Cullamat.

Bago bumaba bilang alkalde, sinabi ni Duterte na idineklarang insurgency-free ang Davao City. Naninirahan umano ang mga IP sa Paquibato District at iba pang bulubunduking bahagi ng siyudad ng ligtas sa mga NPA at mga katulad ni Cullamat.

“And I will continue to borrow and wear traditional dresses from IPs and other groups I want to honor and stand in solidarity with against terrorist organizations like the NPA and people like Cullamat,” dagdag pa ng bise presidente.

Ipagpapatuloy umano ni Duterte ang pagkilos laban sa NPA upang wala ng magulang na maglibing ng kanyang anak na napatay dahil sa walang katuturang ideolohiya.