Wacky Larawan mula sa FB/ Wacky Kiray, Michelle Dee, Valentine Rosales

Wacky Kiray binanatan si Valentine Rosales: ‘Inggit ka lang’

117 Views

DINEPENSAHAN ng komedyanteng si Wacky Kiray ang ipinakitang performance ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Michelle Dee mula sa ipinukol na kritisismo ng social media personality na si Valentine Rosales.

Sa Facebook page ng komedyante, tila nainis ito sa mga sinabi ni Rosales. Sey ni Wacky ay lagyan ng social media personality ng preno ang bunganga nito.

“Ok ako naman magsasalita..teh Valentine Rosales.. pwede kumalma ka lagyan natin ng preno ‘yung bunganga natin. Unang-una, maganda ang ginawa ni #MMD pulido malinis ang lakas ng dating. Di kaya naiingit ka lang kasi hindi ka makapag-swimsuit kasi lalabas itlog mo? Eto opinion ko lang din ha,” sey ng comedian.

Pahayag pa ni Wacky ay tigil-tigilan na lang ni Rosales ang pagbibigay ng opinyon kung hindi pa ito nakakasali sa beauty pageant.

“Saka ka na mag-comment kung nakasali ka na sa beauty contest. ‘Yung beauty talaga ha! Opinion ko lang uli… peace. konting kalma tehhh,” wika niya.

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Rosales sa isang FB post na buryong-buryo siya sa performance ni Michelle sa nasabing beauty pageant.

Ayon pa sa kanya ay hindi raw niya nakitaan ng “wow factor” ang pambato na inihalintulad pa niya sa mga nagdaang beauty queen.

“Walang ka dating dating si Michelle Dee,” saad ni Rosales.

“Wala siyang WOW factor. Napaka layo niya kay Pia, Cat, Gazini, Rabiya, Beatrice. Sobrang boring,” dagdag pa niya.