Calendar
Wala kaming oras, panahon para mag-focus sa impeachment vs VP Sara — Valeriano
๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ง ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐๐๐ธ๐ฎ๐ป ๐ผ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ณ๐ผ๐ฐ๐๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐น๐ฎ๐ถ๐ป๐ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ-๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ถ๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ถ๐ป.
Ito ang depensa ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, patungkol sa pahayag at alegasyon ni Vice-President Duterte na mayroon umanong ikinakasa o nilulutong impeachment complaint ang liderato ng Kamara de Representantes laban sa kaniya batay sa impormasyong nakarating sa kaniya.
Ayon kay Valeriano, sa kasalukuyang panahon ng budget season o ang ginagawang pagtalakay ng Kongreso sa 2025 proposed national budget. Ang lahat ng mga kongresista ay abalang-abala sapagkat nais nilang himayin at suriing mabuti ang budget proposal na isinusumite ng bawat ahensiya ng gobyerno.
Dahil dito, binigyang diin ng kongresista ano pa ang magiging panahon nila para mag-focus sa di-umano’y impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo gayong ang buong oras at panahon nila ay nakatutok sa kani-kanilang trabaho. Bukod pa ang pagtutok nila sa mga Committee hearings.
Dahil dito, naniniwala si Valeriano na maaaring kumukuha lamang ng simpatya si VP Sara mula sa mga tao o kaya naman ay “pa-victim” ito na ang layunin ay malihis ang mga isyu laban sa kaniyang pamilya na unti-unting sumasambulat sa isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee ng Kamara de Representantes.
“Masyadong kaming abala para tutukan ang impeachment complaint against VP Sara. Lubhang naka-focus kasi kami sa aming mga trabaho. Baka naman ang mga ganitong alegasyon ay pagkuha lang ng simpatya mula sa mga tao at pa-victim siya,” paliwanag ni Valeriano.
Kinatigan din ni Valeriano ang hamon ng mga kapwa nito kongresista kay VP Sara na tukuyin at pangalanan kung sino ang nagsabi sa kaniya ng “chismis” o “nag-maritess” na mayroong inihahandang impeachment complaint ang liderato ng Kamara de Representantes laban sa kaniya.
Muling inigiit ni Valeriano na hindi totoo at wala aniyang basehan ang mga kuwentong nakakarating sa Pangalawang Pangulo at maaaring ito ay isang fake news lamang na ang layunin ay sulsulan o kaya gatungan siya.