Walang trabaho kumonti—PSA

325 Views

NABAWASAN ng mahigit isang milyon ang bilang ng mga walang trabaho noong Enero, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang unemployment rate ay naitala sa 6.4 porsyento o 2.93 milyon bumaba ng 1.04 milyon kumpara sa 3.96 milyon na walang trabaho noong Enero 2021.

Ang bilang ng mga Pilipino na edad 15 taong gulang pataas na nagtatrabaho na o walang trabaho ay nasa 45.94 milyon noong Enero 2022. Mas mataas ito sa 45.21 milyong labor force noong Enero 2021.

Ang employment rate ng bansa ay nasa 93.6 porsyento, mas mataas sa 91.2 milyong noong Enero ng nakaraang taon.

Ang average na oras na itinatrabaho ng isang empleyado noong Enero 2022 ay 41.8 oras kada linggo mas mataas sa 39.3 oras na itinatrabaho kada linggo noong Enero 2021.