PSA

Walang trabaho nadagdagan—PSA

230 Views

NADAGDAGAN ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa, ayon sa ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Hulyo 7.

Ayon sa PSA naitala ang mga walang trabaho sa 6 porsyento o 2.93 milyon bahagyang mas mataas kumpara sa 5.7 porsyento na naitala noong Abril na katumbas ng 2.76 milyon.

Mas konti naman ito ng 810,000 kumpara sa 3.74 milyon na naitala noong Mayo 2021.

Ang employment rate ay nasa 94 porsyento, mas mataas sa 92.3 porsyento na naitala noong Mayo 2021 pero mas mababa sa 94.3 porsyento na naitala noong Abril 2022.