Suspek

Wanted na kapangalan ng S. Korean actor naaresto ng BI

Jun I Legaspi Dec 7, 2024
66 Views

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang kapangalan ng kilalang South Korean actor na si Lee Minho nitong November 25.

Si Lee, 37 anyos ay nasakote ng BI fugitive search unit (FSU) agents sa loob ng Clark Freeport Zone.

Naglabas ng mission order ang BI laban kay Leen makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa mga awtoridad na wanted mula sa South Korea na sya ay wanted dahil sa krimeng kinasangkutan may limang taon na ang nakararaan.

Nabatid na nakipagsabwatan si Lee sa iba pang suspek sa pananakit sa isang biktima gamit ang isang baseball bat na naging dahilan ng pagkakaospital ng biktima.

Naglabas din ng warrant of arrest ang Suwon District Court nitong February 2024 dahil sa Special Bodily Injury na paglabag sa Criminal Act sa Republic of Korea.

May inilabas ding Interpol red notice laban sa kanya nitong October sa kaparehong kaso.

Samantala, nasakote rin ng mga tauhan ng BI ang apat na pugante.

Unang naaresto sa Lupon, Davao Oriental City ang Jordanian national na si Shalabi Nidal Mohd Suleiman, 53, isang overstaying alien na wanted sa Dubai dahil sa kasong theft.

Nagnakaw umano ang Jordanian ng mahigit 110,000 Euros at 200,000 AED mula sa kanyang dating employer.

Naaresto naman sa Makati City ang
Chinese fugitive na si Wei Xiaofeng, 28, na wanted sa iligal na paggamit ng equipment sa pag invade sa privacy ng mga biktima.

Inakusahan siyang gumamit ng Telegram para magpalabas ng mga illicit video

Nasakote rin sa Pasay City ang mga were Taiwanese nationals na sina Chen Chi-Yin, 32, at Huang Chun Fu, 31, na wanted sa fraud sa Taiwan.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na walang lugar sa Pilipinas ang mga dayuhang pugante.

“Our close coordination with our foreign counterparts led to the arrest of these fugitives. The Philippines is not a sanctuary for wanted foreign criminals. They will be deported, blacklisted and perpetually banned from re-entering the country for being undesirable aliens,” saad ni Viado.