DENR

Water conservation plan inilalatag ng El Niño Team

179 Views

ISANG water conservation plan ang inilalatag ng National El Niño Team upang mabawasan ang epekto ng inaasahang kakulangan ng tubig sa bansa.

Ayon sa El Niño Team ang conservation program ay ipatutupad sa mga ahensya ng gobyerno.

Ang plano ay ginagawa umano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siyang tumutukoy sa mga lugar na kakailanganin na dagdagan ang suplay ng tubig.

Pinag-aaralan din ng DENR at Department of Agriculture (DA) ang pagbabawas ng tubig para sa National Irrigation Administration (NIA) dahil sa inaasahang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam bunsod ng kakulangan ng ulan.

Idinagdag naman sa El Niño Team ang Department of Science and Technology (DOST).