Calendar
Yorme Isko pinulong mga opisyal para emergency mabilis matugunan
INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ilagay sa pinakamataas na alerto ang kanilang mga tauhan na tumutugon sa matinding pangangailangan lalu’t patuloy na sinasalanta ng malakas na buhos ng ulan ang Maynila dulot ng Habagat.
Sa biglaang pagpupulong na ipinatawag ni Mayor Isko Moreno Lunes ng gabi, iniutos niya ang malawakang pagtugon sa sakuna, kasabay ng direktiba sa lahat ng pagamutan na manatiling nasa mataas na alerto hangga’t hindi gumaganda ang lagay ng panahon.
“Red alert tayo ngayon. Hospitals natin, naka-red alert din. Cancel muna tulog,” utos ng alkalde kay OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla sa naturang pagpupulong, kasabay ng utos sa lahat na anim nao spital na pinangangasiwaan ng lungsod na maghanda sa posibleng pagsulpot ng mga sakit na dulot ng pagbaha tulad ng leptospirosis.
Inatasan din niya ang Manila City Schools Division OIC Superintendent Nerissa Lomeda-Roxas na ipabatid sa mga principal ng pampublikong paaralan na ihanda ang kanilang pasilidad upang gawing evacuation sites kung kinakailangan.
Nagbigay din ng direktiba si Mayor Isko kay Manila Barangay Bureau chief Joel Par na bigyan ng kapangyarihan ang mga opisyal ng barangay na gamitin bilang evacuation center ang pinakamalapit na pampublikong paaraalan sa kanilang lugar kung kinakailangan lalu na kapag hindi sapat ang kanilang pasilidad.
“Otorisado na ang mga barangay chairman na gamitin ang mga eskwelahan, lalo na kung talagang kailangan. Hindi lahat ng barangay may evacuation area,” the Mayor said.
Ipagpapatuloy din ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga mai-stranded na pasahero kapag nagpatuloy ang buhos na ulan. “Yung ginawa nating libreng sakay, dapat tuloy-tuloy pa rin para sa mga naistranded na taumbayan,” utos niya kay Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) Director Arnel Angeles.
Tiniyak naman ni City Social Welfarr Officer Jay Dela Fuente na sapat ang supply nila ng pagkain nan aka-posisyon na sa mga evacuation center na paglilikasan ng mga pamilyang maaapektuhan ng matinding pagbaha.
“Naka-ready po tayo, pati food packs. Nagpapababa na po tayo ng community kitchens sa ating mga districts, para kahit makaraos man tayo may hot meals, champorado, at noodles. May presensya na tayo sa Baseco at Delpan,” pagtiyak pa ni Dela Fuente sa alkalde.

