Hon Jude A. Acidre Deputy Majority Leader Jude Acidre

Young Guns suportado De Lima sa sinabing DU30 dapat tumulong maaresto PACQ

52 Views
Hon. Raul Angelo
Assistant Majority Leader Jil Bongalon

SUPORTADO ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang pahayag ni dating Sen. Leila de Lima laban sa sinabi ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte na nakikisimpatya sa Kingdom of Jesus Christ, na pinamumunuan ng wanted na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kasabay nito, hinimok nina Deputy Majority Leader Jude Acidre at Assistant Majority Leader Jil Bongalon ang dating Pangulo na tumulong upang maaresto si Quiboloy upang harapin nito ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Iginiit ng dalawang mambabatas na may basehang legal ang pagpapatupad ng arrest warrant laban sa mga nagtatago sa batas.

“We support Sen. De Lima’s pronouncement that ex-President Duterte should be helping authorities enforce the warrant of arrest against his ally, Apollo Quiboloy. As a former president, he should be all for upholding the law at all times, no exceptions,” sabi ni Acidre.

Ang reaksyon ni De Lima ay tugon sa pahayag ni Duterte na may mga nilabag na karapatan ang mga otoridad sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy.

“What is illegal about enforcing valid arrest warrants? At sa’yo pa talaga nanggaling ito? Kapal ng mukha! Bakit hindi ka na lang tumulong sa mga awtoridad?!” diin ni De Lima.

Sinang-ayunan ni Acidre si De Lima, at sinabi na ang naturang operasyon ay nakabase sa isang valid warrant of arrest.

“We hope the former president refrains from issuing statements that tend to sow confusion and divide the Filipino nation based on a very faulty line of reasoning. How can one argue against a legitimate operation of law enforcement agencies?” ani Acidre.

Sa pagsangayon kay Acide, iginiit ni Bongalon na ang dating Pangulo pa ang dapat pinakahuli na magbigay ng negatibong reaksyon sa paghuli kay Quiboloy.

“Bilang dating presidente, siya po ang unang-una na dapat na mag-uphold ng rule of law. Why would he say such a thing?” saad ni Bongalon.

“Alam nating lahat na kaibigang matalik ng dating pangulo ang object ng arrest warrant na ito. Hindi ba dapat pairalin na lamang ang delikadeza at ‘wag na siyang magsalita tungkol dito?” tanong niya.