MPBL

Zamboanga nagpa-sikat kontra Bataan

Robert Andaya Jun 20, 2025
16 Views

SUMANDAL ang Zamboanga SiKat sa dating San Sebastian College standout na si James Una upang biguin ang Bataan, 84-82, sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa the Ynares Sports Arena sa Pasig.

Umiskor ang 6-5 na si Una ng back-to-back baskets, kabilang ang krusyal na puntos sa huling siyam na segundo, upang itala ang ika-14th panalo sa 17 na laro ng Zamboanga sa round-robin elimination phase ng 30-team tournament. Nanguna para sa atake ng Zamboanga sina Reggz Gabat, John Paul Cauilan at John Arthur Dalisay, na umiskor ng tig 17 puntos.

Ang 6-foot na si Gabat, na isa ding dating player ng San Sebastian player, ay nag-ambag din ng 8 rebounds, 5 assists at 2 steals upang mapiling “Best Player of the Game” laban sa teammate na sina Dalisay, na may 8 rebounds at 2 assists din, at Cauilan, na may karagdagang 4 rebounds.

Nagtala naman si Una ng 12 points, 8 rebounds at 2 blocks para sa Zamboanga.

Bumaba ang Bataan sa standings na 6-11 sa kabila ng 27 points, 6 rebounds at 6 assists ni Dom Vera, 17 points, 3 rebounds at 2 assists ni Yves Sazon at 10 points at 8 rebounds ni Carl Bringas.

Nangunguna pa din ang Nueva Ecija (15-0), Abra (14-1) at San Juan (13-1), sa overall standings, kasunod ang Zamboanga (14-3) at Quezon Province (12-3).

Dadayo ang MPBL sa Pola Gym sa Oriental Mindoro ngayong Sabado (June 21), na kung saan magtutuos ang Bacolod at Pangasinan simula 4 p.m., Rizal at Imus sa 6 p.m., at Mindoro at Muntinlupa sa 8 p.m.