Calendar
๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐ป๐ผ๐ป-๐๐๐ผ๐ฝ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ
๐๐๐๐๐ ๐’๐ ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฑ๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐๐ (๐ฆ๐ข๐ก๐) ๐ป๐ถ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐, ๐๐ฟ. ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ-๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ผ “๐๐๐ธ๐ฒ” ๐. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang pagbabalik session sa Kamara de Representantes para sa 3rd Regular session ng 19th Congress subalit “non-stop” pa rin si Frasco sa kaniyang serbisyo publiko sa pamamagitan ng pamamahagi nito ng milyon pisong cash assistance.
Personal na tinungo ng Deputy Speaker ang munisipalidad ng Sogod para ipamahagi o i-turn over ang cash assistance na nagkakahalaga ng P4.1 million para sa tinatayang 800 benepisyaryo ng Sogod kabilang na ang bayan ng Borbon.
Ayon kay Frasco, sa panahon na nararamdaman pa rin ng kaniyang mga kababayan ang krisis dulot ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas malaki ang maitutulong aniya ng ipinamahagi nitong financial assistance.
Sabi ni Frasco, magdudulot na ng malaking kaginhawahan para sa mga nakatanggap ng financial assistance ang ipinagkaloob nitong tulong.
“Sa pamamagitan nito ay maiibsan kahit papaano ang pinagdadaanan nilang krisis,” ani Frasco.
Ikinagagalak naman ng kongresista na sa pamamagitan ng kaniyang mga programa ay malaki din ang kaniyang naitutulong para sa kaniyang mga kababayan na dumaranas ng kahirapan.
Tiniyak ni Frasco na sa muling pagbubukas ng session ng Kamara de Representantes marami pa siyang mga nakahandang programa at proyekto para matulungan ang mga mahihirap niyang mga kababayan.
Ipinahayag din ni Frasco na optimistiko siya na magiging maganda at makabuluhan ang magiging laman ng mensahe ni Pangulong Marcos, Jr. sa kaniyang ikatlong SONA sa darating na Lunes (July 22) na tutuon sa mga mahahalagang issues ng bansa.