SUV

1 nasawi, 7 sugatan sa SUV vs 5 sasakyan sa EDSA

118 Views

PATAY ang isa habang pito ang nasugatan matapos mawalan umano ng kontrol ang isang SUV na bumangga sa limang sasakyan sa EDSA sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga.

Batay sa paunang imbestigasyon ng QCPD Traffic Sector 1, unang sumalpok ang SUV sa isang pick-up truck dakong alas-5 ng umaga. Ayon sa drayber ng pick-up, ilang ulit pang umikot ang SUV bago umatras at muling bumangga sa isang taxi at dalawang motorsiklo.

Sugatan ang tatlong sakay ng SUV, drayber ng taxi, at apat na sakay ng dalawang motorsiklo. Gayunman, isa sa mga sakay ng SUV ang kalauna’y nasawi habang nilalapatan ng lunas.

Nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang insidente matapos masakop ng mga sangkot na sasakyan ang dalawang northbound lane ng EDSA.

Patuloy pang iniimbestigahan ng QCPD Traffic Sector 1 ang sanhi ng aksidente at ang dahilan kung bakit nawalan umano ng kontrol ang SUV.