Calendar
Provincial
1 sumakabilang buhay, 2 sugatan sa ilog
Zaida Delos Reyes
Jun 23, 2026
305
Views
PATAY ang isang 10-anyos na batang lalaki at sugatan ang dalawang kasamahan niya sa pagsabog sa ilog na kanilang pinaliliguan noong Lunes sa Sitio Danao, Barangay Ganatan, Arakan, Cotabato.
Nakilala ang nasawi na isang Grade 4 pupil.
Isinugod naman sa ospital ang 17-anyos at 8-anyos na kasama nito.
Sa ulat ng Arakan police, naliligo ang mga biktima sa ilog nang biglang may sumabog sa tabi ng mga ito.
Dead on the spot ang bata habang sugatan din ang mga kasamahan nito.
Napag-alaman na ang lugar ay madalas dayuhin ng mga residente hindi lamang para maligo kundi para maglaba na rin ng kanilang mga kasuotan.
Sa ngayon, inaalam na ng mga imbestigador kung ano ang dahilan ng pagsabog.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

