Sigarilyo

10 Tsino sa ilegal pagawaan ng sigarilyo

Alfred Dalizon Apr 25, 2026
116 Views

NALANSAG ng mga pulis ang dalawang illegal cigarette production facility sa Negros Occidental, naaresto ang 10 Chinese national na pinaniniwalaang nago-operate ng pasilidad at nasamsam ang halos P800 million na halaga ng ebidensya, ayon kay Philippine National Police chief General Jose Melencio Nartatez Jr.

Nasagip ang 15 Pilipino na nagtatrabaho sa illegal factories were sa Bago City at Bacolod City.

Nakumpiska ang mga raw materials at finished cigarette products na umaabot sa P799,151,453.54, ayon sa report.

Base sa investigation, nago-operate na parang lehitimong trading business ang compound nag eempleyo ng mga Chinese at Pilipino.

Sa Malabang, Lanao del Sur, narekover din ang P16.1 million na halaga ng smuggled cigarettes na nasa tatlong abandonadong trucks.

Nasabat ang mga yosi sa vacant lot sa Brgy. BPS Village bandang alas-4:50 ng umaga noong Martes, ayon sa report.

Sa rundown, umabot sa 403 master cases ng cigarettes ang na-recover sa site na ngayo’y nasa custody ng police para sa documentation bago i-turnover sa Bureau of Customs.

“Patuloy nating tututukan ang mga ganitong operasyon dahil malinaw ang utos ng ating pamahalaan na sugpuin ang mga ilegal na gawain na sumisira sa ating ekonomiya at seguridad.

We will not allow these illicit activities to thrive under our watch,” sabi ni Gen. Nartatez.