BBM Namahagi sa Quezon City si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Certificate of Condonation and Release of Mortgages at Certificates of Land Ownership Award sa mga magsasaka mula Bulacan. PCO

1,119 COCROMs ipinamahagi ni PBBM sa 1K magsasaka mula Bulacan

Chona Yu Sep 12, 2024
146 Views

BBM1AABOT sa 1,119 Certificates of Condonation and Release of Mortgage (COCROMs) ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong* Marcos sa 1,000 magsasaka mula sa Bulacan.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng certificates sa isang seremonya sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City.

“Ito ay katumbas ng higit dalawang daan at pitumpung milyong piso na halaga ng utang ng mga magsasaka na ating napawalang bisa na,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Namahagi rin si Pangulong Marcos ng 343 ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) para sa 287 magsasaka mula sa Nasugbu, Batangas.

“Ang mga titulong ito ay may saklaw naman na mahigit dalawang daan at tatlumpung hektarya na lupaing pangsaka,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, ang pamamahagi ng COCROMs at CLOAs ay bahagi ng implementasyon ng New Agrarian Emancipation Act.

“Bahagi ito ng ating pagpapatupad ng New Agrarian Emancipation Act na naglalayong pagaanin ang inyong buhay at maibsan ang inyong paghihirap dahil sa amortisasyon, sa interes, at iba pang mga surcharges na halos naging kakambal na ng lupang sakahan sa loob ng maraming taon,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, doble kayo ngayon ang gobyerno para matapos na ang agrarian reform pagsapit ng taong 2028.

“Kaya naman po, sa ilalim din ng administrasyon na ito na si Secretary Conrad ang puno ng DAR, ating sinisikap na makumpleto ang repormang pang-agraryo sa taong 2028 upang mapakinabangan na ng lahat ng mga benepisyaryo ang lupang sakahan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2024, nasa 136,116 land titles na ang naipamahagi ng DAR sa 138,718 sa mga magsasaka kung saan saklaw nito ang ,164,088 ektaryang lupa.