Calendar
12 drug suspek laglag sa P700K na shabu
UMABOT sa mahigit P.7 milyon ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga pulis sa mga buy-busts sa katimugang bahagi ng Metro Manila noong Enero 30 at 31.
Nakakumpiska ang mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ng 110.55 na gramo ng shabu sa 12 drug suspek na nagkakahalaga ng P751,740.
Ayon sa Parañaque City police at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD, nakumpiska sila ng P544,000 na halaga ng shabu at naaresto rin ang dalawang drug suspek.
Sa Taguig, tatlong tulak ng droga ang nahuli at nakakumpiska ng P155,040 na halaga ng shabu.
Nasabat ng mga tauhan ng Pateros at Muntinlupa City police sa pitong drug suspek P52,700 na halaga ng ilegal na droga.
Ayon kay BGen. Randy Arceo, hepe ng SPD, 14 na kasong kriminal sa ilalim ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang inihahanda nilang ihain laban sa mga nadakip na drug suspek.

