Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Sunog1

3 na tao sugatan, 4 na aso patay sa sunog sa Pasay

Edd Reyes Feb 1, 2026
230 Views

TATLONG tao ang sugatan habang apat na aso ang nasawi nang lamunin ng apoy ang may 20 kabahayan Sabado ng gabi sa Pasay City.

Sumiklab ang sunog dakong alas-7:23 ng gabi sa panulukan ng Cabrera at Espiritu Streets, Barangay 139, na kaagad itinaas sa ikalawang alarma bunga ng mabilis na pagkalat ng apoy sa mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Tatlo katao ang iniulat na nasaktan na pawang nagtamo ng sugat at lapnos sa bahagi ng katawan, matapos tumulong sa pag-apula ng apoy.

Samantala, naiwan ang apat na alagang aso ng isang lalaking residente na hindi naman aniya nakatali sa loob ng kanilang bahay, dahil inuna niyang isalba ang kanyang pamilya.

Idineklarang under control ang sunog dakong alas-8:28 ng gabi, bago tuluyang naapula ng alas-11:17 ng gabi na nagresulta sa kawalan ng tirahan ng 42 pamilya.

Ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang nanunuluyan sa Capt. Joe Valdenibro Covered Court sa Brgy. 138.

Kaagad namang inatasan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang City Social Welfare and Development Department na magdala ng mainit na makakain, tent, grocery goods at medical kits na pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog, pati na ang halaga ng mga natupok na ari-arian.