Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Couple

Malabon mass wedding nakaipon ng 176 kilos ng plastic bottles

Edd Reyes Jan 31, 2026
227 Views

ISANDAANG couples ang sabay-sabay na ikinasal ni Mayor Jeannie Sandoval noong Biyernes sa kasalang bayan 2026 sa Malabon Sports Complex.

Nagdala ng isang sakong polyethylene terephthalate (PET) o plastic na botelya ang lahat ng 100 pares ng mag-asawa na lumahok sa kasalang bayan bilang simbolo ng kanilang suporta sa kampanya ng lungsod.

Umabot sa 176.66 kilo ng plastic na botelya ang nakolekta mula sa mga ikakasal na ire-recycle.

Bilang pagkilala, pinagkalooban sila ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng tig-isang recycled trash bin na pagtatapunan ng basura.

Binalikat ng Malabon ang mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), marriage license application fees, marriage contract registration fees, pati na ang tulong pinansyal at tig-isang sako ng bigas para sa pagsisimula ng kanilang pamilya, ayon kay Mayor Jeannie.

“Naririto po ako at ang pamahalaang lungsod upang maging gabay ninyo at kaagapay. Best wishes, newlyweds,” pagbati ni Mayor Jeannie.