Calendar
DSWD naglunsad ng Walang Gutom, Innovation caravan sa LP
INILUNSAD ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Innovations Caravan 2026-NCR at ang Walang Gutom Kusinero: Cook-Off Challenge Season 2 noong Biyernes sa Aguilar Sports Complex sa Brgy. Pilar, Las Piñas City
Bilang punong-abala sa programa, dumalo sina Mayor April Aguilar, Vice Mayor Mel Aguilar at mga konsehal ng syudad sa event.
Bahagi ng Walang Gutom Kusinero: Cook-Off Challenge ang tagisan sa pagluluto ng mga makabagong pagkain gamit ang mga sangkap Pinoy na magpapatunay na pwedeng magluto ng mga masasarap sa murang halaga.
Ilan sa mga ganitong pagkain ang Dinuguang Puso ng Saging na niluto ni Cristina Dakendek ng Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.
Sa Walang Gutom Program, makatatanggap ng Electronic Benefit Transfer Card na may lamang P3,000 ang mga benepisyaryo.
Magagamit ang card sa pagbili ng pagkain sa mga Kadiwa outlets kada buwan.
Pumunta sa event sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Undersecretary Edu Punay ng Innovations and Project Development Group (IPDG) at IPDG Asst. Secretary Baldr Bringas.

