Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Health & Wellness
15k nadagdag sa COVID-19 cases sa nakalipas na linggo
Peoples Taliba Editor
Sep 13, 2022
477
Views
NADAGDAGAN ng 15,379 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang naitala mula Setyembre 5 hanggang 11 ay mas mababa ng 10 porsyento kumpara sa mas naunang linggo.
Noong Agosto 29 hanggang Setyembre 4 ay nakapagtala ng 17,145 kaso ng COVID-19.
Nadagdagan naman ng 300 ang bilang ng mga nasawi sa nakaraang linggo. Sa naturang bilang 19 lamang ang nangyari ngayong Setyembre at ang iba ay nakakalat mula Hunyo 2020 hanggang Agosto 2022 at hindi lamang kaagad naiparating sa DOH.

