PRO 4A may bagong hepe
Jul 11, 2026
Star factor di na narecover ni merlat
Jul 11, 2026
GINHAWA bill itinulak kontra inflation
Jul 11, 2026
Suspek sa panghahalay nahuli
Jul 11, 2026
Calendar
Health & Wellness
Mahigit 800 bagong kaso ng Delta, Omicron naitala sa bansa
Peoples Taliba Editor
Sep 14, 2022
445
Views
NADAGDAGAN ng mahigit 800 ang bilang ng mga kaso ng Delta at Omicron variants ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), mayroong naitalang 839 kaso ng BA.5 Omicron subvariant batay sa resulta ng sequencing na isinagawa mula Setyembre 9 hanggang 12.
May naitala namang 11 kaso ng Omicron BA.4 at may tig-isang kaso naman ng Omicron BA.2.75 at BA.2.12.1 na naitala.
Dalawang kaso naman ng Delta variant ang na-detect sa sequencing.
Iniulat ng DOH na mayroong 49 bagong kaso ng “other sublineages” at 75 kaso ng “no assigned lineage.

