Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Saksak

16-anyos na binatilyo sinaksak ng CICL sa park sa QC

291 Views

VIRAL sa social media ang insidente ng pananaksak sa isang 16-anyos na binatilyo nitong Sabado ng hapon sa isang park sa Barangay Greater Lagro, Fairview, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), grupo ng mga menor de edad o children in conflict with the law (CICL) ang umano’y umatake sa biktima. Mabilis namang naisugod sa Tala Hospital sa Caloocan City ang binatilyo at nasa stable na kondisyon na ito.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang menor de edad na saksi ang nagsabi na kapwa nila menor de edad din ang sumaksak sa pulisya.

Ayon sa pulisya, naghahanda na ng kaso laban sa suspek habang patuloy ang imbestigasyon para makilala at madakip ang iba pang sangkot sa pananaksak.

Mariing kinondena ng QCPD ang insidente at iginiit ang kahalagahan ng ligtas na kapaligiran para sa mga kabataan. Patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa komunidad at mga kaukulang ahensya upang maiwasan ang mga karahasang kinasasangkutan ng kabataan.