Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

176 suspek sa krimen timbog sa QC

404 Views

NALAMBAT ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 176 na suspek sa halu-halong krimen sa loob ng 168 na oras na anti-criminality at anti-illegal drug operations sa lungsod.

Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, QCPD Officer-in-Charge, 41 operasyon ang isinagawa laban sa illegal drugs na humantong sa pagkakaaresto sa 56 drug suspek at pagkakasamsam ng P1,336,098.80 na halaga ng iligal na droga.

Naaresto din ang 78 sa suspek sa krimen.

Kabilang sa mga inaresto sina alyas Joseph, Richard at Erwin na may kasong robbery at 11 taon nagtago.

Naaresto din si Jhon Mark na may kasong robbery at 9 na taon nagtago.

Samantala, nagsagawa rin ang QCPD ng 6 na operasyon laban sa illegal possession of firearms na nagresulta sa pagkaka rekober ng 6 na baril at pagkakaaresto ng 6 na indibidwal.

Sa ilegal na sugal, sa 23 operasyon 36 na indibidwal ang nadakip at nakumpiska ang P14,162 bet money.