Cabrera

1M estudyante nakinabang sa libreng sakay ng LRT-2

200 Views

MAHIGIT 1 milyong estudyante na ang nakalibre ng sakay sa Light Rail Transit-Line 2’s (LRT2).

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera nasa 30,000 estudyante ang sumasakay araw-araw sa LRT-2.

Noong Martes, Oktobre 11 ay umabot sa 38,000 ang estudyante nakalibre ng sakay, ang pinakamarami sa isang araw.

Nagsimula ang programa noong Agosto 22, ang unang araw ng face-to-face classes.

Ayon kay Cabrera ang libreng sakay ay ipatutupad hanggang sa Nobyembre 5.

Matapos ang programa, babalik ang 20 porsyentong diskwento na ibinibigay sa mga estudyante.