2 bugaw arestado, 7 babae nailigtas

91 Views

ARESTADO ang dalawa umanong bugaw at nailigtas ang pitong babae sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Quezon City noong Oktobre 13.

Kinilala ang mga suspek na sina Ariel Orongan Medidas, 42, residente ng Brgy. Sauyo, Quezon City at Aiza Moreno Alegre, 30-anyos, at ng Benitez St., Cubao, Quezon City.

Nagsagawa umano ng operasyon ang pulisya laban sa mga suspek alas-2:15 ng umaga sa kanto ng Aurora Blvd. at Oxford St. Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Isang pulis na nagpanggap umanong kliyente ang nag-abot ng P500 sa mga suspek na nahaharap ngayon sa paglaban sa Ant- Trafficking in Persons Act of 2003.

Ang pitong babae na ibinebenta umano ng mga suspek ay dinala naman sa Quezon City Social Services Development Department (SSDD).