Bebot kulong sa P136K shabu

92 Views

ARESTADO ang 30-anyos na babae na naaresto umano sa buy-bust operation sa Quezon City noong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Jenalyn Literal Mallari, residente ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Nagsagawa umano ng operasyon ang pulisya laban sa suspek alas-6 ng gabi sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P10,500 halaga ng shabu sa suspek. Narekober umano sa suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.