Calendar
Nagbigay ng pahayag si PLt.Col.Leopoldo B Cajipe Jr, hepe ng MPD Binondo Police Station 11 kaugnay sa dalawang ‘Akyat Bahay’ suspek kung saan isa ang nasawi matapos makipagpalitan ng putok sa mga parak. JONJON C. REYES
2 ‘Akyat Bahay’ huli sa akto ng pulis, 1 nakipagbarilan, dedo
PATAY ang isang 41-anyos na isang Akyat Bahay suspek habang arestado naman ang umano’y kasabwat nito matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis mula sa ikatlong palapag ng San Fernando Building sa Binondo, Manila, Martes ng gabi.
Nakipagbarilan ang mga suspek sa mga miyembro ng MPD-Meisic Police Station 11.
Nakilala ang nasawing suspek na si alyas Rhenz, 41, miyembro ng Commando Gang; at ang naarestong kasama nito na si alyas Rosalino, 43, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Delpan Street, Binondo.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Leopoldo B Cajipe Jr, hepe ng MPD Binondo Police Station 11 bandang 10:35 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.,
Batay sa mga pahayag ng mga operatiba, nagpa-patrol ang mga tauhan ng Juan Luna PCP sa pamumuno ni PCapt. Jeric R Salandanan, PCP Commander nang isumbong ng isang concerned citizen na may mga lalaking umakyat sa bahagi ng Bahay Kastila Panciteria.
Naaktuhan ng mga parak ang mga suspek na umaakyat sa DSL Building.
Sinubukang tumakas ng isang suspek kung kaya’t hinabol ng mga operatiba, katuwang ang tanod ng Barangay 287.
Nagpaputok umano ng baril ang tumakas suspek laban sa mga operatiba at nagkaroon ng palitan ng putok.
Tinamaan at nagtamo ng mga tama ng bala ang suspek at dinala ng mga operatiba sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.
