Bata Source: Screen grab ng video mula Bgy. Socorro, QC

2-anyos dinukot, hinalay ng binata

325 Views

ARESTADO ang isang binata nang dukutin ang dalawang anyos na batang babae habang natutulog sa bangketa katabi ng kaniyang ina sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa report ng Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-3 ng madaling araw nitong Huwebes (July 10) nang maganap ang insidente sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Gee Nieva A Apalla ng Women and Children Protection Desk (WCPD), natutulog umano ang biktima sa bangketa kasama ang ina nang dukutin ito ng 26-anyos na suspek.

Agad na hinanap ng ina ang anak sa paligid, hanggang umabot siya sa 14th at 13th Avenues, ngunit hindi niya mahanap ang bata.

Isang saksi ang nakapagsabing nakita niya ang bata na karga-karga ng lasing na lalaki at sumakay ng sasakyan na biyaheng Antipolo.

Sa pagsusuri sa CCTV footage na isinagawa ng barangay mula sa mga kalapit na establisyimento, nakumpirmang huling nakita ang bata na kasama ng suspek.

Bandang alas-7:00 ng umaga ng parehong araw, ayon sa dalawang saksi nakarinig umano silang may umiiyak na bata sa lugar.

Nang tingnan nila ang pinanggalingan ng iyak, nakita nila ang suspek na minomolestiya nito ang ng bata kaya agad silang nagsumbong sa mga awtoridad at naaresto ang binata.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek.