TNVS Itinurn-over ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga ahente ng NBI ang mga suspek na pumaslang at nangholdap sa driver ng TNVS noong Mayo 18, 2025. Kuha ni JONJON C. REYES

3 suspek sa pagdedo sa TNVS driver sumuko kay Yorme Isko

Jon-jon Reyes Jul 11, 2025
506 Views

SUMUKO noong Huwebes ang tatlong lalaki kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na suspek sa panghoholdap at pagpatay sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver sa Paranaque

Kinilala ang mga suspek na sina alyas John Kevin, 33; Justin, 30; at Jin, 24.

Bandang alas-8:30 ng gabi ng dinala ng mga kapulisan ng Manila Police District ang tatlong suspek sa Bulwagan ng Manila City hall upang pormal na sumuko.

Sumakay noong Mayo 18 ang mga suspek sa TNVS na minamaneho ng biktima na si Raymond Cabrera sa Parañaque City na kanilang hinoldap na nauwi sa malagim na krimen.

Iti-nurn over ni Mayor isko ang mga suspek sa NBI at doon na sinabi ng mga suspek kung saan dinala ang bangkay ng biktima.

Bandang ala-1:00 ng madaling araw ng tinungo ng mga ahente ng NBI kasama ang mga suspek sa Brgy. Batitang, Zaragoza,Nueva Ecija kung saan itinapon ang bangkay ng driver.