Isko Iniharap ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga jumper boys na naaresto sa follow up operation ng MPD Station 1 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Ronald De Leon. JONJON C. REYES

2 ‘jumper boys’ iniharap, pinangaralan ni Mayor Isko

Jon-jon Reyes Aug 21, 2025
300 Views

NAARESTO ng mga pulis ang dalawang “jumper boys” na kitang-kita sa viral video na nangnenenok ng rolyo ng wires mula sa Elf truck sa Road 10 noong Lunes at iniharap kay Manila Mayor Isko Moreno noong Huwebes.

Nahuli ang dalawa sa pinaigting na operasyon ng Manila Police District sa pamumuno ni PBGen. Arnold Abad, acting MPD director.

Nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Raxabago Police Station 1 noong Agosto 21 sa Aroma compound, Brgy. 105, Tondo, Manila at naaresto sina alyas Eusebio, 22; at Marc Loren, 24.

Nakuha sa isang suspek ang isang pen gun na kargado ng bala ng 9 mm pistol.

Nanawagan si Mayor Isko na makipagtulungan ang mga motorista sa mga pulis kung sakaling makakita ng nakawan sa Road 10.

Maari silang bumusina habang kinukunan ng video ang nakawan upang makatawag pansin sa mga kinauukulan.

Nakakulong sa Raxabago Police Station 1 at pinopostehan ni Police Lieutenant Colonel Ronald De Leon, commander ng MPD Station 1.