Yorme

Yorme ibinalik 1-yr validity ng health cert

Edd Reyes Aug 21, 2025
324 Views

IBINALIK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang one-year validity ng health certificates na iniisyu sa mga trabahador sa halos lahat ng negosyo sa Manila.

Inaprubahan na ng Manila City Local Health Board ang extended validity ng mga health certificates matapos makipagpulong kay Yorme Isko ang 150 fast food managers upang idulog ang kanilang hinaing sa hindi makatuwirang pagkapaso ng health certificates pati na ng kanilang mga kawani.

Tinupad ng alkalde ang pangako sa mga fast food managers matapos aprubahan ang pagbabago sa panuntunan kung saan dati ay nae-expire ang lahat ng health certificates ng Disyembre 31 kahit ilang linggo o araw pa lamang itong nakukuha.

Sa bagong sistemang kanilang ipaiiral, hindi na kailangang magpa-renew kaagad ng kanilang health certificates ang mga may-ari ng negosyo at kanilang manggagawa hangga’t hindi ito umaabot ng isang taon.

“Kapag inissuehan ka ng health certificate, and if it is valid for one year, no matter what month you acquired, it will not expire December 31, it will be expiring on the day, one year after the issuance,” paliwanag ng alkalde.