Calendar
Sinisiyasat ng mga awtoridad, sa pamumuno ni Police Capt. Ferdinand Cayabyab, ang mga biktima ng pamamaril sa Sta. Cruz, Manila.
2 kelot pinagbabaril sa Sta Cruz, naospital
SUGATAN ang dalawang lalaki nang barilin noong Biyernes sa Maria Natividad St., Brgy. 346 Sta. Cruz, Manila.
Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si alyas Christian, 20, ang unang biktima, na nagtamo ng 3 tama ng baril sa binti.
Ang sumunod na biktima, alyas Juanito, 23, isinugod naman sa Chinese General Hospital na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan
Dalawang testigo ang nagsabi na suspek sa pamamaril sina alyas Adam, 26; at Bigti, 23, na tinutugis na ng mga operatiba ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District.
Ayon sa report ni Police Capt.Ferdinand Cayabyab at Police Staff Sergeant Kenneth Relopez kay Police Captain Mark Joseph Carpio, hepe ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB), bandang alas-11:45 ng gabi naganap ang pamamaril.
Narekober sa crime scene ang 16 na bala na mula sa mga baril ng dalawang suspek.
