Calendar
Provincial
2 lalaki huli, P.4M ‘shabu’ nakuha sa Laguna buy-bust
Gil Aman
Jun 17, 2026
275
Views
UMABOT sa mahigit P400,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nabawi sa dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 1, Bgy. Sinalhan, Santa Rosa City, Martes ng madaling araw.
Sa ulat ng Santa Rosa Police, ang dalawang suspek ay kinilala bilang alyas MJ na isang High Value Level Individual at alyas Lankan, isang Street Level Individual.
Nakumpiska sa buy-bust ang hinihinalang shabu na may estimated na timbang ng 65.63 gramo at may standard drug price na P446,284.
Nabawi rin sa mga suspek ang buy-bust money at maliit na brown bag.
Ang mga suspek ay kasaluyang nakakulong at nahaharap sa kasong illegal possession ng droga.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

