Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Suspek HULI KA–Ang naarestong suspek matapos saksakin ang mga biktima na nasa maayos ng kalagayan sa pagamutan sa Pandacan, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

2 lalaki nagtalo, naglabo-labo, nagsaksakan, buhay

Jon-jon Reyes Jun 20, 2024
576 Views

BUHAY pareho ang dalawang lalaki na nagsaksakan matapos magtalo sa Ilang Ilang St., Brgy. 849, Pandacan, Manila noong Miyerkules.

Nasa maayos nang kalagayan sina Erwin Nepomuceno, 23, at Michael Salazar, 26, ayon sa report.

Naaresto ng mga rumespondeng barangay tanod at pulis ang suspek na si alyas Gregorio, 29.

Ayon sa isang saksi, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang isa sa biktima sa hindi pa malamang kadahilanan hanggang sa nauwi sa labo-labo sa loob ng bahay ni Gregorio.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek.